I have not written in Filipino for a while. It’s such a beautiful language and it expresses certain emotions that may not be entirely captured by the English language. One such word is “kilig”, that warm fuzzy feeling you get whenever you think about something or someone. Usually associated with romantic feelings or that butterfly-in-your-tummy sensation. Some people use it too to convey a sense of pride after achieving a feat.
So here’s my everyday version of “kilig”.
Kilig
Limanlibong araw na kitang nasisilayan
Karaniwan kung tutuusin
Ikaw na panatag at maasahan
Katuwang sa araw at gabi.
Nararapat sa akin,
Sa damdaming masalimuot
At madalas mabagabag
Angkop sa tulad kong tigib ng katanungan.
Marahil nakuha ako sa sulyap
Na may munting kulit,
O di kaya’y patuloy na namamangha
Na ikaw ay tila bata, pilyo’t mabait.
Basta kinikilig pa rin ako
Sa tuwing nariyan kang
Umiintindi at nagpaparaya
Nagbibigay at tumatanggap
Nang walang pakundangan, walang pag-aalinlangan.