Kamusta Po Kayo

Ito ang tanong ng Uber driver sa akin. Napatigil ako at napaisip. Kamusta nga ba ako? Bihira akong matanong nito. Madalas ako ang nagtatanong nito sa mga pinakamalapit sa akin. Hindi ako magaling sa kamustahan. Bilang ang mga taong kinukusa kong makita at kung magkita man madalas ang kwentuhan ay pangangamusta sa kanila. Hindi ako sanay matanong kung kamusta naman ako. 

Gusto ko palang matanong kung ano ang nangyayari sa akin, kung ano ang saloobin at kung ano ang naglalaro sa aking isipan. Ninanais ko ring magbahagi at maghayag ng kung anuman ang bumabagabag sa akin. Pero gusto kong yayain mo ako. Ako naman ang kamustahin mo.

Masarap magkwento nang walang pakundangan at pag-aalinlangan. At kung maubos ang lahat ng masasabi, komportableng katahimikan ay sapat. Paghahaya at pakikinig ay biyaya ng ganitong kamustahan. Mabuting tandaan na minsan kailangan ito ng bawat isa, isang simpleng “kamusta ka?” 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s